Thursday, August 22, 2013

Mabuhay ang Grupo ng mga Mamamamayang May Malasakit sa Bayan!

Mga Kababayan,

One of the numerous posters rallying the Filipinos to join the
march against PDAF Fund on 26 August 2013.
Ako po ay lubos na sumusuporta sa gagagaping malawakang pulong laban sa Pork Barrel sa Agosto 26, 2013. Sa Luneta at sa Burnham Park, Baguio City gaganapin ang naturang pagkakatipon. Ito na siguro ang pinakamainam na pagkakataon para ipakita natin, mga concerned citizens, ang ating galit na buhat nang kamakailang naibalitang 10 Billion Pork Barrel scam. Sana po ay maipakita natin na sobra na ang katampalasanan sa ating lehislatura at hindi na tayo papayag, oo, tayong mga mamamayan, na magpatuloy ang ganitong kabulukan sa ating gobyerno.

Nagsusulat para sa bayan,
Darvinos de Mariquina





No comments:

Post a Comment