Monday, July 6, 2015

Kalikasan: Papag-isahin Tayo?

Tulad ng pagsasalubong ng dalawang linya
Tungo sa mga katulad na interes
Isang punto ng pagkakaisa, isang pananaw
Wala masyadong pagkakaiba, ikaw at ako.

Sa sandaling panahon ng ating pagsasama
Natunghayan ko ang iyong bukas na isip
Seryosong datíng ng iyong pakilos
Pinagkakaisa tayo ng hilig sa kalikasan.

Nakita ko ang iyong malayang pagiisip
iyong personalidad na tila laging nakakalasag
tila tagamasid sa samu’t-saring opinyon
ng mga tao ukol sa politika’t relihiyon.

Tuwing may pagkakataong mag-uusap
tulad sa mga pulong na may talakayan
Mga litrato’t bidyo ng mga kinapal na gumagapang
na iyong ikinalulugod at hindi sinusupil.

Marami kang katangiang tumutugma
sa aking interes na dating hinulma
sa pagkahumaling sa agham at naturalismo
na bihira kong mahanap sa mga babae.

Mga kagamitang panlaboratoryong iyong ipinamana
wala nang pakialam pagkatapos magtapós
Umaapaw na paggiliw sa iyong hitsura
at iyong kyut o marikit na mukha.