Tuesday, January 23, 2018

SHORT POST: Rappler Issue

ON THE RAPPLER ISSUE RE: SEC REGISTRATION REVOKED

"Kung mamamato ka, siguraduhin mong hindi ka nakatira sa bahay na gawa sa salamin."

Hindi ako laban sa malayang pamamahayag o free press. Kaso madalas kasi naabuso ang freedom na ito. Kita ko rin na biased o may kinikilingan ang Rappler. Bakit? Agad-agaran ang minsan misleading/clickbait ang kanilang headline. Isa na diyan yung tungkol sa ordinansa umano sa QC na dapat may English/Filipino translation ang pangalan ng negosyo. Hindi nilinaw doon na ang hinahanapan lang ay mga negosyong ang pangalan ay hindi Ingles o Filipino. Kaya nauso ang mga meme na isinasa-Tagalog ang mga pangalan ng mga kilalang negosyo tulad ng mga fastfood, tindahan ng damit, at iba pa.

Sa mga balita naman ukol kay Duterte at sa kaniyang makulay na administrasyon, nang una hindi ganoon kahalata ang kanilang bias. Ngayon naman nang inaatake na sila, bina-bash ng mga DDS, naging halata na ang kanilang bias kontra-Duterte. Kaya totoo naman na walang midya na walang bias, kahit subtle man yan o kapirangot may bias (kilingan) pa rin 'yan.

Kaya sa Rappler, you have the right to due process. Use it wisely and let us see who will prevail.

Rappler, hina-harass? Inuusig?

Oo. Naniniwala akong inaatake ang Rappler ng administrasyong Duterte. Ukol sa isyu kung bakit sila nakakalusot dati sa PDRs nila, ito ang masasabi ko: "Nakalusot (sila) dati kasi hindi mahigpit, ngayong hinanapan (sila) ng butas ni Duterte kaya sila nahuli."

No comments:

Post a Comment