Wednesday, June 15, 2016

Ang “Bahala na” at ang Epekto nito sa Kaalamang Pangkaligtasan


Ang ating buhay ay kaakibat na ng peligro. Kung ating pagdidili-dilihin, wala naman talagang “absolutely safe” o “lubusang ligtas”. Tayo’y umaalis, lumuluwas, bumibiyahe araw-araw bilang mga estudyante. Tayo nga’y humaharap sa panganib na palaging narito sa nakakaligalig na Kalakhang Maynila. Sa lansangan, sa mga sasakyang nagsasalimbayan, sa mga kainan, at iba pang lugar, ay may risk na, kahit hindi natin napagtutuunan ng pansin, ay nananatili. Maari nating nararamdaman ang peligro o risk sa pagdating ng mga eksaminasyon at mga takdang-araling ‘di magagawa-gawa dahil sa umano’y kakulangan ng oras.

Tulad ng ibang mga inhinyero, ang mga inhineryo kimika ay humaharap ng napakaraming mga risk o panganib. Ang probabilidad o tsansa na makatatagpo ng problema ang isang inhinyero sa kaniyang mga gawain tulad  ng pagkakatalisa ng pag-unlad ng teknolohiya na nagdudulot ng pagbabagong panlipunan o societal change at/o paggawa ng mga innovative products (produktong makabago) ay hindi basta basta maisawawalang-bahala. Dito pumapasok ang safety management. Hindi ito tila isang angel de la guardia na makapangyarihang pumipigil ng aksidente. Ang safety management ay isang asignaturang maproseso at sistematiko na tila hindi nabibigyang-importansya ng mga Filipino.

"No helment, no problem?"
(Photo from: http://www.topgear.com.ph/carpool/album/399/Safety-last?ref=related-albums)


Marami sa atin na ‘di napanasin na ang kultura ng mediyokridad o kapangkaraniwanan ay isang salik o factor kung bakit makupag ang pangkalahatang pag-unlad ng ating bansa. Mula sa maliliit na detalye sa pagdisenyo (kung mayroon mang urban planning) hanggang sa kalagayan ng imprastraktura ay makikita na ang epekto ng katagang “Pwede na ‘yan!” Bara-bara ika nga. Sa usaping pangkaligtas, ang kasabihang “Pwede na ‘yan!” at/o “Bahala na!” ay hindi dapat maging mentalidad ng isang inhinyero na nakatoka sa safety o kaligtasan ng isang planta. Bilang mga inhinyero kimika, huwag nating ituring na ‘di mahalaga ang kaligtasan sapagkat nakasalalay ang buhay natin at ng mga umaasa sa atin. Ang ating mga mata’y dapat matalas sa detalye, sapagkat ang mga maliliit na pagkamali (tinutukoy ko ay ang mga proseso at mga sensitibong makinarya) ay maaring magdulot ng malaking aksidente.

Narito lamang ang ilan sa mga tila epekto ng ugaling “bahala na”. Ang karamiha’y hindi napapansin basta-basta:

·         Mga sasakyang pampubliko na hindi na ligtas patakbuhin, nagiging sanhi ng aksidente paglaon
·         Mga posteng wala sa lugar kung minsan ay nagdudulot ng aksidente
·         Mga kawad ng telepono o cable TV na salasalabat na, ‘pag may sumabit na trak ay nagdudulot ng pinsala sa mga gumaganang kawad o live wire
·         Mga tren ng MRT na tila walang maintenance
·         Kawalan ng urban planning sa maraming lungsod





No comments:

Post a Comment