Thursday, July 25, 2013

New Theory: Why China Wants to Rise "Again"

China, now the second largest economy by nominal GDP in the world is aiming for greatness once more. Naging bully na rin sila.... dahil kung titignan natin ang kasaysayan, ang Tsina ay sumailalim sa tinatawag na Siglo ng Pagkakapahiya (Century of Humiliation), dahil nakuha ng mga Kanluraning bansa (at nang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig) ang marami nilang mga strategic na teritoryo.

Poster calling on Filipinos to boycott Chinese products.
Lifted from: http://dalubhasangpinoy.files.wordpress.com
Ito ang isang dahilan kung bakit talagang tila hagad ang Tsina na makamit muli ang karangalang, na ayon sa kanila, ay nararapat sa kanila. Ito rin, ayon sa pananaw ko, ang dahilan kung bakit gusto itaob ng Tsina ang dominance o paghahari ng mga Kanluraning bansa. Siguro nga mainit ang mata nila sa Pilipinas kasi ang Pilipinas ay ang malapít sa Estados Unidos. (Ang USA ay isa sa mga karibal ng Tsina sa paghahari sa ekonomiya ng daigdig.) Isa pa, malapit lamang ang Pilipinas sa Tsina.

Ano ba ang mga nangyari sa kasaysayan na nagdulot ng ganitong ugali sa Tsina? Abangan sa mga sususnod na sanaysay...


No comments:

Post a Comment