Sinasabi ng ilan kong kritiko (mga taong hindi naman ako lubos na kilala) na masama raw ang puro nalang usapan nang wala namang ginagawa. Totoo ito. Pero may ginagawa naman kami hanggang sa kakayahan namin (may limitasyon naman kami dahil hindi
Pansinin:
- Si Rizal nagsulat, pero hindi nanguna sa himagsikan. Sapat na ang isinulat niya upang mapukaw ang damdamin ng mga tao. Sa gayong paraan din kami nagsusulat upang pukawin ang isip, kasi anong silbi ang pagiging disiplinado namin kung ‘di naman kami mangangaral sa iba para sumunod sa batas. Kami nga hindi nagkakalat, hindi nagdudumi, hindi nagsusunog ng basura, sumusunod sa batas trapiko. Pero walang pakialam ang bobong karamihan, kaya kami nagsusulat upang (sakaling) magising sila sa katangahan nila.
- May ginagawa naman kami. Kayo ba? Nagse-segragate ba kayo ng basura tulad nang ginagawa namin? Umiiwas ba kayo sa mga produktong may mga masasamang kemikal tulad namin? Nagpiprint ba kayo back-to-back para makabawas sa konsumo ng papel? Yung mga halimbawang binibigay niyo eh lagpas na sa kakayahan namin eh, bigyan niyo kami ng kapangyarihan baka magawa pa namin. “Turuan daw namin ung mga [palaboy] sa España...” Pwede naman namin gawin yun eh, pero wala sa punto 'yan (dahil kalikasan at hindi mga tao ang nais namin tulungan kung ganiyan lang din naman kayo). Kapag ginawa ba namin ‘yun titino ba kayo? Susunod ba kayo sa mga nais namin baguhin? O kukutyain niyo parin kami?
- Kaya nga may mga petisyon eh. Pre, isip? Parang UN (United Nations/Nagkakaisang mga Bansa) lang yan, walang magawa sa ginagawa ng Tsina sa West Philippine Sea, kasi nga tunay na makapangyarihan ang kalaban! Gusto namin palitan ang nakakapolusyong diesel at gasolina ng hydrogen fuel o solar, pero HINDI namin magagawa yun kahit mag-protesta kami kasi nga makapangyarihang tao ang makakatunggali namin. Eh kayo nga eh, gusto bumili ng kotse nang walang pakialam kung sumusunod ito sa emission tests. Kami, kapag mayaman na kami, hybrid o hydrogen-fueled car ang bibilhin namin. Huwag niyo rin maliitin ang “change.org” o ang mga petition sites kasi nakatutulong naman ito sa ibang bansa. Ika nga nila, kaysa mag-utak talangka (crab mentality) nalang kayo, ba’t di niyo nalang subukan makipirma sa mga petisyong sinusuporthan namin. Ang mga petisyon na ito, effective din kapag maraming sumuporta. (Yung MMDA chairman kinagat ung challenge at sumakay sa MRT – oo maliit na bagay – pero yan ang kapangyarihan ng mga taong nagkakaisa).
Nakikita ko naman ang punto niyo, pero
intindihin niyo na para sa kinabukasan
ang mga malalaking planong ginagawa namin. Ang mga
maliliit na bagay na pantulong sa kalikasan (hal. Garbage segragation,
recycling, printing papers back to back, avoiding the use of straw) nagagawa
naman namin eh. Kapag ang ginagawa niyo
mas higit pa sa ginagawa namin, sa gayon lang kami susuko at magsasabi kami ang
walang kwenta. Hindi ako uurong at titigil hangga’t hindi namin
nakukuha ang hustisya sa mga masasakit na salitang binitiwan niyo! Maraming
salamat po. (Aking isinulat ito na may poot na dinaranas, pasensya na kung may
mga salitang masakit.)