Sunday, February 22, 2015

Ayokong Magmahal...ang Tuition Fees Namin!

Ayokong Magmahal...ang Matrikulang Babayaran!

Paunang Sabi: Hindi po ako komunista ni isang radikal. Kung susukatin ang pampolitikang pananaw ko, ako po ay sentristang kumikiling sa kaliwa (center-left).

Nag-trending sa Twitter ang opisyal na hashtag ng protesta.
#AyokoMagmahal

Ayun. Nag-trending sa Twitter ang hashtag na #AyokoMagmahal nang nakaraang Huwebes (19 Pebrero)... Medyo hugot ba ang dating? Pwede. Pero ang tinutukoy nang katagang ‘yan ay yung pagmahal ng matrikula’t bayarin sa Unibersidad ng Santo Tomas. Taon-taon o annual na lang ang pag-taas ng tuition fees and miscellaneous charges. Nang nakaraang taon, 2.5 porsyento o P31.23 per unit ng pagtaas ng matrikula ng second- to fifth-year students. 3.5 porsyento naman ang pagtaas noong 2012 at 3 porsyente noong 2011. (Hindi pa yata kasama sa bilang ang mga nakawiwindang na miscellaneous fees, “other fees” at “other charges”)
  
Worst-case scenario thinking mode tayo... ano kaya mangyayari kapag hindi na kinaya ng mga middle at lower class ang mataas na matrikula:

  1. Mas maraming mapipilitan mag-drop-out o lumipat sa eskwelahang mas mababa ang kalibre at reputasyon (tandaan na maraming kompanya ay masyadong maarte, may diskriminasyon, mababa ang tingin kapag hindi ka nanggaling sa UP, AdMU, LaSalle, o UST)
  2.  Dahil mas kaunti ang makakapag-aral (assuming na tumataas din ang matrikula sa mga private schools and colleges), mas dadami ang mga di-sapat ang trabaho o underemployed.
  3. Lalong mahihirapan umahon sa kahirapan ang nakararaming Pilipino. Sisishin nanaman ang gobyerno (oo may kasalanan din naman kasi ang gobyerno)
  4.  Endless cycle?
A Sample Breakdown of "Miscellaneous Fees" and "Other Fees" (From the UST College of Science Student Council)


Bakit ba Kontra Ako sa Miscellaneous Fees Increase?


  1. Katolikong Unibersidad ang UST – Katatapos lang ng pagdalaw ni Papa Francisco (Pope Francis) at talagang energized pa ang madla sa Pope-fever. Tumatak ang temang “Mercy and Compassion” sa karamihan. Kaya siguro ang ibang netizens ay lakas-loob na dumeretsong nag-tweet sa Santo Papa tungkol dito.
  2. Mataas pa ang Hawak ng Kapital o Cash-on-Hand ng Administrasyon – Ayon sa isang pahayag ni mayroon pang P565,000,000 (more or less) ang administrasyon kahit di magtaas ang mga bayarin. Para saan pa ang pagtaas ng  bayarin? Baka maubos ang tagong kità?
  3. Tila Paulit-ulit ang Ilang mga mga "Miscellaneous Fees" – “Special Development Fee” (1750 pesos kada semestre), “Learning Materials Fee” at “Information Development Fee” (1500 pesos kada semestre) ang ilan lamang sa mga tila ibang klaseng mga “buwis” na nakaatang sa balikat (at bulsa) ng mga estdyante (at magulang). Hindi ko na isinama yung “Physical Infrastructure Development” kasi alam ko (may tiwala naman ako kahit papaano) na sa mga pagtayo at panustos sa mga gusali ng kampus. Ang “Information Development Fee” ang maraming tumututol kasi hanggang ngayon medyo mababa (subpar) ang kalidad ng eLeap, myUste, at Wifi ng unibersidad.

Sa totoo lang, hindi naman ako kontra masyado sa mismong pagtaas ng matrikula o tuition fee, dahil alam (aware) ko rin naman na patuloy ang inflation (o pagpintog). Ayon sa batas, dapat mapunta sa pampasweldo at benepisyo ng mga teaching and non-teaching personnel ang 70 percent of the pagtaas ng tuition fee; ang natitirang 20% ay dapat mapunta sa gastusin para sa modernisasyon ng mga gusali’t pasilidad ng eskwelahan at ang natitirang 10% ay ituturing return of investment sa mga institusyong stock corporation o gagamitin para sa operasyon ng eskwelahan. 

Sa kahulihan, Gamitin natin ang ating karapatang sa malayang pananalita nguni’t daanin natin ito sa mahinahong pakikipagdiyalogo na may kahalong respeto. Iyon lamang po. Hindi po ako laban (ni lalaban) sa administrasyon ng unibersidad per se. Pairalin nawa ang awa at habag. #MercyandCompassion

Friday, February 20, 2015

Blogs ng Pinoy has Added My Blog. Hurray!

I may not be an active writer as of now due to my academic constraints but I am thankful that "Blogs ng Pinoy", a directory of Filipino-run blogsites has added my blogsite to their official directory. (Hurray! Libre! Libre!) This has inspired to resume writing articles. Hopefully, I will also write Filipino (or Taglish) articles soon discussing socio-economic observations in Philippine schools. Once again, I am very thankful. Maraming Salamat po. Terima Kasih. Daghang Salamat. To God be the glory.

Blogs ng Pinoy (Blogsites of Filipinos) Banner Header