Nakakairitang isipin na ang ilang mga Tsinong mandarambong (poacher) na nangisda ng mga endagered species (nanganganib na mga uri [uri = species]) sa Half-Moon Shoal (isang pinag-aagawang teritoryo sa pagitan ng 'Pinas at Tsina) ay nakatakas nang sila'y hinuhuli ng mga awtoridad. Bagamat nahuli ang isang bangka (sapagkat dalawang bangkang Tsino ang namataan), hulí na dahil patay na ang 234 na pawikan. Mabuti nalang at may 120 pang buhay.
Mga Pawikang Patay na. Pansinin na tila tinuhog ang kanilang mga matas para lamang maitali. |
Kung nabalitaan ninyo ang galit ng mga taga-Vietnam nang magtayo ang Tsina ng oil rig malapit sa Paracel Islands, ganun din sana ang gawin ng mga Pilipino kapag labis-labis na ang katampalasanan ng mga Tsino laban sa Pilipinas. Bagamat nais ko ang kapayapaan, ang galit ng mga tao rin dapat ang siyang magpakita sa mundo sa katarantaduhan ng pamahalaang komunista ng Republikang Popular ng Tsina. Hindi palusot ang nais ng Tsina maghiganti nang ito'y "mapahiya umano" ng mga kanluraning noong nakaraang siglo. The past is in the past.
Kung nagkakaisa sana ang mga Pilipino, lalo na ang mga politiko, sana magpakita na rin tayo ng galit sa Tsina (sa pamamagitan ng masidhing protesta) kapag tumindi pa ang katampalasanan ng mga ito at kung hindi na madadaan sa diplomasya ang pinaggagagawa nila.
Update
Nais ko rin ikondena ang nangyaring "anti-China riots" sa Vietnam. Ang labis na karahasan ay hindi rin mabuti. Ang nais ko lamang ay masidhi pero mapayapang protesta.
Update
Nais ko rin ikondena ang nangyaring "anti-China riots" sa Vietnam. Ang labis na karahasan ay hindi rin mabuti. Ang nais ko lamang ay masidhi pero mapayapang protesta.