Monday, February 24, 2014

Kung Sakali Man....

Nalalaman ko na ang bawat tao'y may pangarap sa buhay. Bagama't hindi lahat nagkakatotoo o magkakatotoo, hindi naman siguro masama kung isulat natin ito, hindi ba?
Katatapos lang ng eleksyon sa UST Chemical Engineering Society (Tagalog: Kapisanan ng mga Inhinyerong Kimika), nais kong batiin ang lahat ng mga nanalo sa halalan. Yung mga proyekto at plataporma niyo, huwag niyo sana kalimutan. Muli, Congrats sa bagong Executive Board ng Ches.

Ang mga nagustuhan kong project ng ibang kandidato ay ang mga sumusunod

- "Juche" Recycling initiative 

Kung sakali naman bigla akong tanungin, "Ui Dawo, ano naman ba magiging project mo kung manalo ka? Kung..." Well, sige, sagutin ko ang ilan. (Hindi ko naman ninanais tumakbo sapagka't alam ko sa sarili ko na hindi ako gaano aktibo sa Ches pwera lang sa "The Reaction" newsletter nito. Hindi kasi ako gaano naging interesado sa mga aktibidades pwera lang dun sa Biofuels seminar at sportsfest.)


projects:


- Enhanced Recycling Initiative 


Napansin niyo ba yung mga basurahan na may label na "Recyclable, Non-biodegradable, at Biodegradable"? Kaya nga may color-coding yang mga yan eh. Hindi naman sinusunod ng mga estudyante. (Alam kong sa Dean's Office nakasalalay ang pag-implement nito pero wala namang masama ituwid ang mga ChE students diba? Ayaw niyo un? Mababait at disiplinado ang ChE)


- Enhanced CHEARS Review


Sa tulong sana ng Grievance Committee, aalamin nila kung saan nahihirapan ang mga estudyante upang makapaghanda ng review materials at tutorials ilang linggo bago ang mga eksaminasyonIto ay upang makabawi rin sa mga quizzes ang mga nahihirapang estudyante.


- Industry-Academe Orientation 


Dapat First year palang medyo inoorient na ang mga ChE students sa kursong kanilang kinuha, partikular na sa magiging posibleng trabaho nila sa hinaharap.



- Ches Orientation to Non-Members

May mga ChE students na HINDI parin o AYAW maging miyembro ng Ches, tila walang pakialam sa mga nangyayari sa mahal nating departamento (dahil ang Ches at ang departamento ay dapat magkaugnay).  Siguro, gawin nalang sanang 100 pesos ang membership fee para naman ma-engayo sila sumali.


- Lastly.... isang Org Room! 


Walang org room ang Chemical Engineering Society, dati sa kalahati ng Mixing Room pero inalis din. Hindi tulad ng Pax Romana na may opisina sa baba, ang Ches ay walang birtuwal na opisina... maganda sana kung may org room tapos dun nakapwesto ang mga kasapi ng Executive Board kung available sila. At least, magiging visible sila sa mata ng mga miyembro.



Iyan lamang ang ilan sa mga planong proyektong aking gagawin kung sakaling bigla nalang akong maging kasapi ng Executive Board o maging student "adviser" (what?) sa mga miyembro ng Executive Board.


Sige dito muna ako magtatapos, pupunta pa ako kina Dolot... haha (nasa computer laboratory ako ng Eng'g, ginanahang magsulat matapos ang isang pangyayari)